Thursday, March 24, 2005

Thursday

Sabihin man nila na di ako Kristyano, wala akong kebs. Nasa Maynila ako ngayon, walang ginagwa kundi magtunganga sa tapat ng monitor. Di ako mapakali. Trabaho, trabaho, yun na lang ata inaalala ko ngayon. Nalulungkot ako dahil kahit ang buhay ko sa labas nito naapektuhan na. Maliit na bagay, napapalaki ko... argh. nakakapikpn.

Ewan ko ba, parang kabado ang loob ko sa mga naririnig kong balita... ilang araw lang, may isang ka-eskwelang namatay dahil pinagtanggol nya ang sarili nya at ang kanyang gf. Ngayon, narinig ko na ang kapatid ng isang matalik na kaibigan ay pinatay, binaril sa ulo, at ang suspek ay nawawala ngayon.

Hay ewan ko ba.

Talaga bang sa hirap ng buhay nagsisimula ito? O di kaya meron talagang masasamang tao sa mundo? Di man lang nila naiisip ang mga hinanakit na binibigay nila sa mga pamilya ng mga taong ito...

*haaay*


+ + +

1 comment:

wanderlust junkie said...

Sorry about that, Soldier.

Roughly said, this blog is a sad rant on how callous and uncaring people can be, resorting to violence and killing to get what they want. My friend's brother got killed because of a fight that escalated, and another person got stabbed in the stomach because some guys tried to hold him and his gf up.
:-(

Blog Widget by LinkWithin